Kabilang sa pinag-iipunan ng mga celebrities ay ang pagbili ng sariling lupa at pagpapatayo ng bahay.
Para naman sa iba, ang pagpapaayos at pagpapa-renovate ng kanilang childhood homes ay ang pinaglaanan nila ng pera at panahon.
Bahay-bakasyunan naman ang ipinatayo ng ibang celebrities para magkaroon ng tinaguriang "home away from home."
Dahil sa COVID-19 pandemic, ilan sa mga ongoing construction ng dream homes ng mga celebrity ang naantala.
Ngunit ang ilan ay mapalad na nakapagpatuloy sa pagpatayo at pagpapagawa ng kanilang bahay mula nang lumuwag na ang quarantine protocols.
Alamin sa gallery na ito kung sinu-sino ang mga celebrities na kasalukuyang nagpapagawa ng bahay sa gitna ng quarantine.
Sa kanyang unang vlog, ipinakita ni Jillian Ward ang ipinapagawa niyang three-storey house sa Pampanga. Mayroon itong dalawang kusina, powder room, movie room, at walk-in closet para kay Jillian. Bukod dito, may jacuzzi pa sa kwarto niya!
Balak sana ni Rocco Nacino na lumipat sa bago niyang bahay noong nakaraan niyang birthday noong March. Hindi ito natuloy dahil naantala ng COVID-19 pandemic ang contruction ng kanyang bahay sa Antipolo. Para mapabilis, si Rocco na mismo ang tumulong sa ilang finishing touches ng bahay na sinumalan niyang ipagawa noong 2018.
"Katas" daw ng kinita niya sa isang fastfood commercial ang ipinangpagawa ni Kakai Bautista ng bagong bahay para sa kanya at sa kanyang pamilya. Sa ngayon, on hold ang construction ng bahay habang wala pang bagong project si Kakai.
Nag-resume na ang construction ng beach home ni Maritoni Fernandez at ng kanyang asawang si Mon Dayrit matapos maantala ng quarantine. Ayon sa aktres, magiging handa na ang bahay ngayong parating na Pasko.
Isang farmhouse sa Lucban, Quezon ang pinapatayo nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao. May swimming pool, man-made pond, greenhouse at meditation area pa ang bahay na sinumulan nilang ipagawa noong 2018.
Nagpapagawa ng bahay para sa kanyang nanay na nalalapit nang mag-retire ang vlogger na si Lloyd Cadena, bago siya pumanaw nitong September. Sa huling vlog niya noong August, nag-share pa siya ng ilang updates sa pagpapatuloy ng construction nito.
Kahit kasalukuyang nasa Amerika, pinapagawa ni Rufa Mae Quinto ang bahay na uuwian nilang pamilya dito sa Pilipinas. Bukod dito, pinaaayos din niya ang bahay nilang mag-anak sa Amerika.
Sinimulan naman ng engaged couple na sina Gwen Zamora at David Semerad ang pagpapatayo ng extension sa tinawag nilang "Semerad Cabin" sa Batangas. Dito rin balak idaos ng dalawa ang kanilang napipintong kasal.
Tapos na ngayon ang bagong bahay ni Derek Ramsay pero minsan siyang nagkaproblema nang naantala ng COVID-19 ang pagpapagawa nito. Nagdulot ito ng stress sa aktor dahil naibenta na niya ang lumang bahay sa pagaakalang makakalipat na siya kaagad sa bagong bahay. Inilarawan niyang may "resort feel" ang bahay na pinuno niya ng mga obra mula sa iba't ibang mga Pinoy artists.
May mga plano na si Kris Bernal at kanyang fiance na si Perry Choi para sa kanilang tahanan bago sila ikasal. Pero dahil sa pandemic, hanggang mga drawings at diagrams pa lang muna ang kanilang dream house.
Tapos na ang bahay ni Kapuso hunk Rayver Cruz ngunit wala pang mga gamit dito. Moderno ang look ng bahay na may dalawang palapag at garahe.
May ilang finishing touches pang kailangan sa bahay ni Kapuso actress Sanya Lopez. Matatandaang ang kanyang nakakatandang kapatid at kapwa Kapuso star na si Jak Roberto pa ang nag-regalo sa kanya ng tiles para sa garahe ng bahay.
Sinimulan na rin ni Camille Prats at kanyang asawang si VJ Yambao ang pagpapatayo ng kanilang dream home.
Tinawag ni Mimiyuuh na "katas ng pag YouTube" ang ipinagawa niyang bahay na katatapos pa lang ng construction ngayong taon. May two-car garage, swimming pool and at Japanese-style toilets pa ang bagong patayong bahay ng vlogger.
Ipinasilip din ng YouTube comedian na si Mikey Bustos ang progreso ng bahay na ipinapatayo nila ng partner niyang si RJ Garcia sa Cavite. Ayon sa kanya, kasalukuyan na silang namimili ng mga gamit na ilalagay sa kanilang future home.
Natapos na ang bahay na ipinagawa ng lifestyle vlogger at business woman na si Viy Cortez. Nakalipat na siya at kanyang pamilya dito bago mag-Pasko noong nakaraang taon.
Inihayag ng long-term celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert na lilipat na sila sa bagong bahay na ipinatayo nilang dalawa.
Sinimulan ni Megastar Sharon Cuneta ang pagpapagawa ng kanyang Mega Mansion noong Hulyo 2020. Aniya sa Instagram, matagal na niya itong pinaplano at pinag-iipunan para sa kanyang pamilya. Sa sobrang laki at sobrang tibay ng kanyang magiging tahanan, makukumpleto ito sa loob ng dalawang taon.
Isang home with a view sa Nasugbu, Batangas ang ipapatayong tahanan nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano.
Katas ng pagiging the original plantita ang ipinapatayong bahay nina Aubrey Miles at Troy Montero sa Antipolo.
Dreams do come true! Nito lamang October, pinabasbasan na nina Lovely Abella at Benj Manalo ang kanilang bagong bahay na naipundar nila sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa pag-o-online selling.
Sa latest Instagram post ng aktor na si Joross Gamboa, ipinasilip niya sa netizens ang beach house na pag-aari ng kanilang pamilya.
Ang kanilang napakagandang family property ay matatagpuan sa Sariaya, Quezon.