IN PHOTOS: Celebrities na nakatampuhan ang kanilang mga magulang

Lahat tayo ay nais makamit ang #relationshipgoals pagdating sa ating pamilya. Sino ba naman ang hindi may gusto ng one happy family?
Ngunit hindi lahat ng tao ay nabiyayaan ng picture-perfect relationship sa kanilang mga pamilya. Ganyan din ang kaso sa ilang celebrities na hindinaiwasang makatampuhan ang kanilang mga magulang.
Para sa mga masugid na taga-subaybay ng showbiz, madalas mababalitaan ang hidwaan ng ilang celebrities sa kani-kanilang mga mahal sa buhay at kabilang na diyan ang kanilang mga kapatid, magulang, o kaya naman kaibigan.
Hindi rin nakagugulat na mga balita tungkol sa falling out ng mga artista at kanilang mga magulang, na napag-uusapan ng mga tao sa social media.
Ano mang ang kadahilanan ng kanilang hidwaan, minsan masasabi na lang talaga na ganyan ang buhay--may mga hindi pagkakaunawaan na wala sa iyong kontrol kahit na ito ay ang mga mahal mo sa buhay.
Sinu-sino ang mga celebrity na nakaranas ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan sa kanilang mga magulang? Alamin ang kani-kanilang mga kuwento sa gallery na ito.

















