IN PHOTOS: Celebrities na nakilala ang kanilang partner sa dating app

Habang tumatagal, mas nagiging bukas na ang mga artista sa non-traditional na paraan para makahanap ng partner.
Sa episode ng "Bawal Judgmental" sa 'Eat Bulaga' kamakailan, ikinuwento ng non-showbiz girlfriend ni Carlos Agassi, si Sarina Yamamoto, na nakilala niya ang aktor sa isang online dating app.
Kuwento niya, "Akala ko talaga noong una poser yung account niya, so nag-swipe right ako para ma-confirm kung legit talaga 'yung account niya tapos ayun legit naman. Lumipat kami sa Instagram and [nakita ko na] verified 'yung account niya."
Dagdag naman ni Carlos, agad nilang binura ang kani-kanilang profile sa dating apps mula nang magkita sila nang personal.
Aniya,"Nung nakita ko siya [Sarina] sabi ko 'Wow ang ganda niya' tapos when we started talking ang bait niya and then 'yun parang love at first sight."
Bukod kay Carlos, kilalanin pa ang ibang celebrities na nakilala ang kanilang partner sa online dating apps sa gallery na ito.










