Kabilang sina Marian Rivera, Kristine Hermosa, Iya Villania, at Jean Garcia sa certified mommies na nananatili pa ring sexy at young-looking.
Sino-sino pa kaya ang katulad nila?
Kilalanin ang ilan pang celebrity moms na hanggang ngayon ay napapagkamalan pa ring dalaga sa gallery na ito.
Ang Kapuso Primetime Queen at 'Tadhana' host na si Marian Rivera ang mommy ng adorable kids na sina Zia at Ziggy.
Ang former 'Bubble Gang' babe na si Sam Pinto ay ang hot momma ni Mia Aya Semerad.
Ang actress at model na si Ina Raymundo ay mayroong limang anak sa kanyang asawa na si Brian Poturnak. Sila ay sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, at Minka.
Ang Kapuso actress at model na si Max Collins ay isa pa rin sa hottest female celebrities.
Si Saab Magalona ay isang hands-on mom sa kanyang dalawang anak na lalaki na sina Pancho at Vito.
Ang 'Mars Pa More' host na si Camille Prats ay mukha pa ring bagets kahit siya ay isang busy mom.
Ang Kapuso actress at celebrity mom na si Yasmien Kurdi ay nananatiling blooming.
Ang mommy ni Tili na si Solenn Heussaff ay nananatiling fit at fabulous.
Fresh na fresh pa rin si Trina Candaza, ang mommy ni Enola Mithi.
Samantala, kilalanin ang celebrities na hot mommas sa gallery na ito:
Ang Kapuso star na si Beauty Gonzalez ay ang loving mom ng 9-year-old girl na si Olivia.
Si Jennica Garcia ay ang glowing mom nina Athena Mori and Alessi.
Matagal mang nawala sa showbiz matapos ipanganak ang cute na cute na si baby Avianna, nanatiling mukhang dalaga ang Sparkle artist na si Sophie Albert.
Si Kylie Padilla ang glowing at sexy mommy nina Alas Joaquin and Axl Romeo.
Ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' star na si Carmina Villarroel ay madalas pa ring mapagkamalan na isang dalaga.
Siya ang mommy ng twins na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Ramdam n'yo na ba ang summer season sa litrato na ito ng 'Unbreak My Heart' star at celebrity mom na si Jodi Sta. Maria?
Looking youthful pa rin ang 'Widows' War' actress na si Jean Garcia.
Looking fresh at blooming pa rin ang mom of six kids na si Kristine Hermosa.
Mukha pa ring dalaga ang soon-to-be mom of five na si Iya Villania.
Fresh at radiant pa rin ang actress at 'It's Showtime' host na si Anne Curtis.
Glowing morena beauty ang Kapuso actress at beauty queen na si Winwyn Marquez.
Youthful at glowing ang 'Cruz vs. Cruz' star na si Vina Morales
Isa si Nadine Samonte sa celebrity moms na talaga namang mapagkakamalan na isa pa ring dalaga.
Proud mom sa kaniyang adorable kids na sina Lucas at Bia ang vlogger-actress na si Zeinab Harake.
Tila forever na ang pagiging blooming ng celebrity mom na si Bianca King.
Sobrang Latina! Looking youthful pa rin ang Kapuso actress at mom of two na si Jennylyn Mercado.
Marami ang nakakapansin na tila hindi tumatanda ang itsura ng aktres na si Empress Schuck.
Isa sa mga young-looking celebrity mom ay ang aktres na si Sunshine Cruz.
Mukha pa ring dalaga ang mom of two na si Sheena Halili.
Still glowing at 47 ang comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto.
One blooming mom ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela.