IN PHOTOS: Dating magkakasama sa teleserye, reunited sa GMA Thanksgiving Gala

Sa ginanap na GMA Thanksgiving Gala, nagkaroon ng pagkakataon ang mga artista ng Kapuso network na muling magsama-sama sa isang gabi ng pasasalamat.
Makalipas ang dalawang taon ng matinding lockdown, muling nagkita-kita ang mga dating magkakasama sa teleserye.
Nangunguna sa listahan sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Ana Feleo na nagsama sa mga teleseryeng 'Amaya,' 'Carmela,' at 'Encantadia.'
Sulat ni Ana sa kanyang post sa Instagram, "Amaya-Bayang Carmela-Nida Minea-Ades Marian-Ana Te quiero siempre @marianrivera #gmagalanight."
Bukod sa kanilang dalawa, narito ang iba pang mga artista na nagkasama noon sa teleserye na reunited sa GMA Thanksgiving Gala.






