IN PHOTOS: DJ Loonyo's showbiz career

Naging daan ang popular short form video-sharing app na TikTok para pasukin ng DJ/choreographer na si Rhemuel Lunio o DJ Loonyo ang showbiz.
Binansagang "Dance King ng Quarantine" si DJ Loonyo dahil sa kanyang viral dance covers, na na-feature ng iba't ibang media outlets sa bansa.
Higit siyang napansin sa kanyang "Mama Mia" dance cover, kasama ang dalawa pang kapwa dancers, na ipinost niya tatlong araw matapos ipatupad ang community quarantine sa bansa. Sa ngayon, may mahigit 19 million views na ito sa kanyang Facebook page.
Dati nang nakakapag-guest sa iba't ibang TV shows si DJ Loonyo kasama ang kanyang grupong Rock*Well. Pero ngayong taon, dumagsa ang iba't ibang offers at invites sa kanya bilang solo artist.
Ngayong tuluy-tuloy ang paglabas niya sa telebisyon, handa kaya niyang iwan ang kanyang trabaho sa dance studio sa China para mag-focus sa kanyang showbiz career?
Sagot ni DJ Looonyo sa kanyang April 9, 2020 YouTube vlog, "Still don't know but, again, I'm praying kung saan ako ilalagay ni Lord para makapag-inspire pa.
"Ayaw kong kumuha ng job or anything na magtatanggal sa akin sa focus sa responsibility ko rito sa China.
"Then, ang effect niya selfish lang, para sa akin lang, for money or for fame, I don't like that."
"Ang gusto ko, if ever na tatanggap ako ng trabaho, in line siya sa kung ano yung naiisip ko or ano yung goal ko, 'yung mission in this world."
Para sa ilan pang detalye tungkol sa showbiz career ni DJ Loonyo, tingnan ang gallery na ito:





