Silipin ang binyag ng bunsong anak nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera sa gallery na ito:
Three months old na si Baby Ziggy nang binyagan ito.
Ginanap ang binyag ng latest addition sa Team Dantes sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish church sa Magallanes, Makati City.
Cute na cute in pink si Baby Zia na present sa binyag ng kaniyang baby brother.
Isang simple at intimate event ang naganap na binyag kahapon, July 29.
Picture-perfect ang mag-ina sa kanilang pictorial pagkatapos ng intimate ceremony.
All-smiles naman sina Dingdong at Baby Ziggy sa kanilang photo.
Dumalo sa binyag ay si TV personality at reporter Kuya Kim Atienza.
Ilang personalities ang naimbitahan at nagsilbing “witness” ng binyag ni Baby Ziggy tulad nina Richard Gutierez, Kim Atienza, Boobay, Paolo Contis, at Sid Maderazo.
Mukhang magiging cool ang mga magiging gabay ni Baby Ziggy sa kaniyang paglaki.
Neon-themed ang naging reception para kay Baby Ziggy na ginanap sa Versus Barcade.
Dumalo rin ang opera singer, actress, at producer na si Ms. Ana Feleo.
Hindi pahuhuli sa event si celebrity event planner at malapit na kaibigan ng mag-asawa na si Teena Barretto.
Humabol sa reception ang makeup artist and hairstylist na si Bambbi Fuentes.
Present din si 'Unang Hirit' host at Kapuso comedian Boobay sa reception.
Nagpakitang gilas si Baby Zia ng kaniyang singing skills sa pagkanta ng 'Bahay Kubo.'