IN PHOTOS: Filipino celebrities who played Muslim roles in TV shows and films

Maraming beses nang naging daan ang telebisyon at pelikula sa pagpapalabas ng mga kuwento tungkol sa kultura, tradisyon, at relihiyon ng mga Pilipino.
Kabilang na rito ang mga programa at pelikulang nagbigay daan upang mas makilala ang relihiyong Islam sa Pilipinas gaya ng GMA Primetime series na Legal Wives. Umikot ang istorya ng serye sa konsepto ng polygyny o ang ligal na pagkakaroon ng isang lalaki ng dalawa o higit pa na asawa.
May mga pelikula ring tumalakay sa kultura ng mga Pilipinong Muslim katulad ng Thy Womb na tungkol ito sa mga kababaihang Tausug.
Ang mga kuwentong ito ay pinagbidahan at binigyang buhay ng ilan sa mga mahuhusay na artista sa industriya. Kilalanin sila sa gallery na ito:











