IN PHOTOS: Filipino Directors who passed away and their memorable projects

Bukod sa mahuhusay na artista, ang tagumpay ng isang programa sa telebisyon o ng isang pelikula ay maikakabit din sa mga magagaling at malikhaing direktor na siyang utak o nagpapatakbo ng isang proyekto.
Kaya naman malaking kawalan sa industriya ang pagpanaw ng mga mahuhusay na direktor na naghatid ng mga proyektong nagpaiyak, nagpasaya, nanakot, at nagpaibig sa maraming mga Pilipino.
Sa pagpasok ng taong 2016 hanggang sa kasalukuyan, marami na rin sa mga kilalang direktor ang namaalam na pagkatapos ng kanilang mga matatagumpay na programa at pelikula sa takilya.
Hindi man na nila maipagpapatuloy ang kanilang nasimulan, bahagi na ng buhay ng maraming mga Pinoy ang kanilang mga hindi malilimutang obra.
Kilalanin ang mga direktor na pumanaw na simula 2016 hanggang sa taong kasalukuyan sa gallery na ito.















