IN PHOTOS: Funniest memes on Luis Manzano and Jessy Mendiola's wedding

GMA Logo Luis Manzano and Jessy Mendiola wedding memes

Photo Inside Page


Photos

Luis Manzano and Jessy Mendiola wedding memes



Intimate at simple ang naging kasal nina Luis Mazano at Jessy Mendiola na ginanap sa sikat na wellness resort na The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas.

Lumutang ang ganda at kaputian ni Jessy sa kanyang classic white dress, samantalang bumagay naman sa kwelang personalidad ni Luis ang kanyang pastel pink suit nang magpalitan sila ng "I Dos" sa harap ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Dahil intimate lang ang kasalan, napaka-solemn ng dating ng pag-iisang dibdib ng celebrity couple, dumagdag pa ang romantic pink and red flowers at magandang view sa venue kung saan tanaw ang Mt. Malipunyo.

Kahit na lumabas ang pagiging natural na komedyante ni Luis, hindi nila naiwasan ni Jessy na ilabas ang kanilang mga emosyon sa espesyal na raw na iyon. Sa katunayan, naging tampulan pa ito ng memes, bagay na si Luis mismo ang nag-udyok.

Ang viral ngayon na larawan ni Luis ay screenshot mula sa wedding video nila ni Jessy kung saan umiiyak ang actor/TV host nang nakita niyang naglalakad ang kanyang bride patungo sa wedding podium para i-meet siya roon.

Ang isa pang larawan na kumakalat sa Internet ngayon ay screenshot nina Jessy at Luis kung saan makikita ang aktres na masamang tiningnan ang kanilang guests nang sinabi ng wedding officiant kung may tututol sa kanilang pag-iisang dibdib.

Siyempre, hindi nakaligtas ang mga ito sa mga malilikot na isip ng netizens kaya naman bumuhos sa social media ang mga nakakatawang memes patungkol sa intimate wedding nina Luis at Jessy, na hango sa mga nangyayari sa lipunan ngayon.


Inom
Sahod
Ex
Logic
Netflix
Pancit canton
Ayuda 
Sardinas
Kape
Guest
Shanghai
Number 2
Alex Gonzaga
Neighbor
Darna
Tropa
Lugaw
Kiss the bride
Incentives
Change oil
Jeep
Cellphone
Lutang moment
Humble
Dog
Outing
Fishball
Toe stub

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU