The beautiful and loving family of Gelli de Belen and Ariel Rivera

Sa ngayon ay 30 years na ang relasyon ng celebrity couple na sina Gelli de Belen at Ariel Rivera, at 25 years naman sila bilang mag-asawa.
Biniyayaan din sila ng dalawang lalaking anak na sina Joaquin Andres at Julio Alessandro, na kasalukuyang nasa Canada. Noong December 2021, lumipad sina Gelli at Ariel patungong Canada upang bisitahin ang kanilang mga anak.
Noong July 2021, nagbigay ng update ang aktres tungkol sa mga anak nila na nag-aaral sa abroad.
“They're doing well, online schooling 'yung ganun,” kuwento ni Gelli sa report ni Lhar Santiago sa '24 Oras.'
Dagdag pa ng aktres, “But of course may edad na ng kaunti so 'yung isa nagbo-volunteer work to get credits for his course.”
Sinisigurado naman nina Gelli at Ariel na nabibisita at nakakamusta nila ang kanilang mga anak kung mayroong pagkakataon.
Silipin ang mga larawan ng masayang pamilya nina Gelli de Belen at Ariel Rivera sa gallery na ito.













