Hindi man gaanong aktibo ngayon sa showbiz ang batikang aktres na si Dawn Zulueta, abala naman siya ngayon sa pag-aasikaso sa kanyang pamilya.
Makikita sa social media na talagang hands on si Dawn sa pagpapalaki ng kanyang dalawang anak. Isa na rito ang kanyang unica hija na si Ayisha Lagdameo.
Kamakailan ay nagdaos si Ayisha ng kanyang ika-13 kaarawan sa London, England kasama ang kanyang kapatid at mga magulang.
Habang lumalaki, kitang-kita kay Ayisha ang kagandhang namana niya sa kanyang ina na si Dawn. Mas kilalanin si Ayisha sa gallery na ito:
Si Ayisha Lagdameo ang isa sa mga anak ng batikang aktres na si Dawn Zulueta.
Anak ni Dawn si Ayisha sa kanyang asawa na si Antonio Lagdameo Jr.. Kapatid ni Ayisha ang future heartthrob na si Jacobo Lagdameo.
Isa sa mga paboritong bonding nina Dawn at Ayisha ang archery. Makikita sa larawang ito na tila in-character ang mag-ina gaya sa 2020 Netflix film na 'Enola Holmes.'
Hilig din ni Ayisha ang mag-yoga kasama si Dawn.
Sa London, England, napiling mag-celebrate ng kanyang 13th birthday si Ayisha.
Makikita sa larawan na ito na enjoy na enjoy si Ayisha sa paglilibot sa London.
Looking good din ang mag-inang Ayisha at Dawn sa kanilang European tour.
Si Ayisha ang unica hija nina Dawn Zulueta at Antonio Lagdameo Jr..
Gaya ng maraming teenager, patuloy rin ang pagiging glowing ni Ayisha patungo sa pagdadalaga.
Makikita sa social media posts ni Dawn ang travel photos ng kanilang pamilya kasama si Ayisha.
Noong Oktubre 6, proud na ibinahagi ni Dawn Zulueta ang bagong achievement ni Ayisha sa ballet. Sulat niya, "Congratulations, my Ayisha Madlen, for making it to the Top 12 Junior Classical Ballet Division in last weekend's Youth Grand Prix 2022 (YGP)."
Tulad ng kanyang ina, isa ring fan si Ayisha ng global group na BTS.
Kitang-kita ang pagmamahal ni Ayisha sa alagang aso na si Blanche.