Ang Sparkada member na si Jeff Moses ang isa sa Sparkle stars na sinusubaybayan ngayon ng mga Kapuso sa mundo ng show business.
Napanood siya noon sa inspirational-medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap' kung saan isa siya sa mga naging love interest ng Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Sa seryeng ito, labis na kinakikiligan ng mga manonood ang karakter ni Jeff bilang si Reagan, ang admirer ng genius at pinakabatang doktor na si Analyn, ang role ni Jillian sa programa.
Sa online mediacon para sa Sparkada, ibinahagi ni Jeff na gusto niyang sundan ang yapak ni Alden Richards sa showbiz career nito.
Pahayag niya, "Isa siya sa mga pinaka-idol ko sa GMA, and I'm looking forward din po na makatrabaho siya soon.”
Mas kilalanin pa ang pinakabagong Kapuso leading man sa gallery na ito.
Ang 22-year-old actor na si Jeff Moses ay ipinanganak noong April 1, 2000.
"Pinoy Bae" ang tawag ng netizens kay Jeff Moses.
Ilan sa mga makikita sa kaniyang Instagram posts ay ang kaniyang shirtless photos.
Sa isang interview, ibinahagi ni Jeff Moses na ang Sparkle artist at anak ni Wendell Ramos na si Saviour ang kauna-unahang naging kaibigan niya sa mundo ng showbiz.
Si Jeff ay isa ring dancer. Sa katunayan, una siyang nakilala ng netizens nang maging miyembro siya ng dance trio ng San Carlos City, Negros Occidental na San Carlos City Boys or SCC Boys.
Kakayanin n'yo bang makipagtitigan sa Kapuso hottie na ito?
Bukod sa pagiging aktor, isa ring TikTok star si Jeff Moses.
Sa kasalukuyan, mayroon na siyang mahigit 1.5 million followers na naturang video-sharing app.
Base sa ilang larawan na makikita sa kaniyang Instagram account, isang nature lover si Jeff Moses.
Gumanap si Jeff Mosses bilang si Reagan Tibayan, ang bestfriend ni Dra. Analyn (Jillian Ward) at janitor sa APEX Medical Hospital.
Kinuha si Jeff bilang ambassador ng clothing giant na Penshoppe para sa kanilang 2025 summer campaign.
Jeff is one the Gen-Z hosts for the ATM (Adventure. Taste. Moments) podcast 'TRGGRD!'
He is back on GMA Afternoon Prime via the soap 'Hating Kapatid' starring the Legaspi family. Jeff bagged the role of Calix.
This Sparkle actor is ready to prove this 2026 that he is a triple threat by taking on the challenge of playing Topee in the broadway show Bagets the Musical.
'Bongga Ka, 'Day! 'The Annie Batungbakal Musical' scored a huge talent when they tapped Jeff Moses to play the lead role, Romer . Also joining him in this production is 'The Clash' finalist Anthony Rosaldo.