IN PHOTOS: Herlene Budol's guestings and courtesy visit after Binibining Pilipinas 2022

Itinuturing na career change ng Kapuso actress-comedienne at ngayon ay beauty queen na si Herlene Budol o "Hipon Girl" ang kanyang pagsali sa prestihiyosong beauty pageant sa bansa na Binibining Pilipinas ngayong taon.
Aminado si Herlene na marami siyang natutunan sa kanyang naging journey bilang kandidata. Pagkatapos ng coronation night ng nasabing pageant, marami ring pinto ang nagbukas kay Herlene gaya ng kabi-kabilang TV guestings kasama ang mga kilalang personalidad at courtesy visit sa ilang mga government official.
Silipin ang naging guest appearances ni Herlene sa ilang showbiz personalities at pagbisita sa ilang mga opisyal sa gallery na ito:











