Puno ng kasiyahan ang campus-themed music fair na inihanda ng alt-rock icon na si Ebe Dancel para sa ika-20 taong anibersaryo ng 'Sa Wakas,' ang iconic debut album ng Pinoy rock band na Sugarfree.
Halos 2,000 mga tagahanga nito ang nakisaya sa selebrasyon na ginanap sa 123 Block, Mandala Park noong Sabado, January 28.
Nakasama ng multi-awarded singer-songwriter sa "Sa Wakas: 20th Anniversary Celebration" ang dati nitong band member na si Mitch Singson, maging ang mga bandang Brass Pas Pas Pas Pas, Autotelic, Cheats, The Itchyworms, at ang indie-artist na si Johnoy Danao.
Tingnan ang "Sa Wakas: 20th Anniversary Celebration" sa gallery na ito:
Isang campus-themed music fair ang inihanda ng alt-rock icon na si Ebe Dancel para sa ika-20 taong anibersaryo ng iconic debut album ng Sugarfree na 'Sa Wakas.'
Halos nasa 2000 katao ang nakisaya sa selebrasyon na ginanap sa 123 Block, Mandala Park noong Sabado, January 28.
Sa event, mayroon ding mga booth para sa souvenirs at iba't ibang klase ng pagkain at inumin.
Kitang-kita ang excitement ng fans na muling marinig nang live ang mga klasikong awitin ng Sugarfree.
Bukod sa mga awitin ng Sugarfree, na-enjoy rin ng mga dumalo ang tugtugin mula sa mga bandang Brass Pas Pas Pas Pas, Autotelic, Cheats, at The Itchyworms.
Sa pagsisimula ng selebrasyon, unang napakinggan ang funk music ng 10-piece band na Brass Pas Pas Pas Pas.
Bukod sa kantahan, nagkaroon din ng games at raffles para sa masusuwerteng fans na makapag-uuwi ng t-shirts mula sa Backspacer Records.
Ipinarinig ng indie-alt rock band na Autotelic ang ilan sa kanilang mga awitin tulad ng "Gising" at "Dahilan."
Nakasama rin sa "Sa Wakas: 20th Anniversary Celebration" ang indie-rock band na Cheats. Ilan sa mga kantang sinabayan ng fans sa Cheats ay ang "Snooze (Pinto)" at "Honey Calm Down."
Isa ang "Right Time" sa mga awiting kinanta ng indie-artist na si Johnoy Danao sa 'Sa Wakas.' Isinulat ni Johnoy ang kantang ito para sa kasal ng singer na si Nikki Gil at BJ Albert.
Buhay na buhay ang gabi sa Madala Park sa mga kantang "Di Na Mulli," "Penge Naman Ako N'yan," "Love Team," at "Beer" ng The Itchyworms.
Napuno ng klasikong mga kanta ng Sugarfree ang dalawang oras na performance ng alt-rock icon na si Ebe Dancel.
Sa pagtatapos, pinasalamatan ni Ebe Dancel ang lahat ng nakasama niya sa "Sa Wakas: 20th Anniversary Celebration." Sabi niya, "All the bands you saw on stage today are very good friends of mine."