Hiniwalayang asawa at minamahal na kabit, titira sa isang bahay sa 'Magpakailanman'

Love triangle ng hiniwalayang asawa at minamahal na kabit ang tampok sa real life drama anthology na Magpakailanman.
Pinangakuan ni Karlo ang asawang si Lea ng isang masayang buhay at magandang kinabukasan.
Masaya silang nagsasama hanggang kumprontahin ng isang babaeng nagpapakilalang asawa ni Karlo si Lea.
Ito si Maritess, ang tunay at legal na asawang iniwan ni Karlo.
Dahil iniisip niyang mali ang kanilang relasyon, magpaparaya si Lea at hihiwalayan si Karlo.
Pero mapipilitan siyang balikan ito dahil nagdadalangtao siya.
Bigla namang susulpot si Maritess at ipipilit na tumira din sa bahay kasama nina Karlo at Lea.
Tila nagbalik siya para manggulo, pero may mas malalim palang rason ang pagbalik ni Maritess as buhay ni Karlo. Ano kaya ito?
Si Martin del Rosario ang gaganap bilang Karlo. Si Katrina Halili naman ay si Lea, habang si Kris Bernal ay si Maritess.
Tunghayan ang "Asawa at Kabit sa Isang Bubong," May 31, 8:15 p.m. sa Magpakailanman. Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






