IN PHOTOS: 'Hipon Girl' Herlene Budol, gaganap sa sarili niyang talambuhay sa '#MPK'

GMA Logo A Girl Named Hipon on MPK

Photo Inside Page


Photos

A Girl Named Hipon on MPK



Bibida si "Hipon Girl" Herlene Budol sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman na tungkol sa kanyang buhay.

Matatandaang minsan na siyang bumida sa episode na pinamagatang "Yaya Dubai and I" na napanood noong November 2019 bilang bahagi ng anniversary special ng #MPK noong taong iyon.

Ngayon, mas espesyal ang pagganap ni Herlene dahil talambuhay niya mismo ang tampok sa episode. Siya na rin mismo ang gaganap sa kanyang sarili.


Simula noong kabataan ni Herlene, madalas na siyang ikinukumpara sa kanyang nakakatandang kapatid na si Gellie. Namana kasi nito ang ganda ng mukha ng kanilang inang si Len, 'di tulad ni Herlene na ganda lang ng katawan ang namana mula dito.

Gayunpaman, mahilig pa rin sumali si Herlene sa mga beauty contest sa pag-asang ito ang mag-aahon ng kanyang pamilya mula sa hirap. Hindi niya alintana ang pangungutya sa kanya at pagbansang sa kanya bilang "hipon" o babaeng maganda ang katawan ngunit hindi kagandahan ang mukha.

Suwerte naman nang ma-discover siya at mag-viral dahil sa paglabas niya sa programang Wowowin. Ito ang nagbukas ng pinto para sa pag-angat ng buhay niya at ng kanyang pamilya.

Pero dahil sa pandemic, mahihinto ang lahat ng ito. Paano muling makakabangon si Herlene at ang kanyang pamilya?

Tunghayan ang pagganap ni Herlene bilang kanyang sarili sa "A Girl Named Hipon: The Herlene Budol Story," ngayong Sabado, March 25, 8:00 p.m. sa '#MPK.'


Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Herlene Budol
Maureen Larrazabal
Gardo Versoza
Maxine Medina
Pandemic
Broken family
A Girl Named Hipon

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ