IN PHOTOS: Hottest showbiz stories of 2021

GMA Logo celebrities who made noise 2021

Photo Inside Page


Photos

celebrities who made noise 2021



Naging maingay ang 2021 dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng celebrities at ilang mga sikat na personalidad.

Kabilang na riyan ang sunud-sunod na hiwalayan ng mga celebrity couple tulad nina LJ Reyes at Paolo Contis, Kylie Padilla at Aljur Abrenica, at Jennica Garcia at Alwyn Uytingco na hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media.

Gumawa rin ng ingay ang paglipat ng mga sikat na Kapamilya stars and personalities tulad nina Bea Alonzo, Mr. M, at Kuya Kim sa GMA Network ngayon taon kasunod ng pagpapasara ng ABS-CBN.

Sa ikalawang taon ng pandemya, bumuhos ang luha dahil sa pagkamatay ng ilang artista at personalidad kabilang na ang mga komedyanteng nagpangiti at nagpasaya sa mga manonood.

Kung nakaranas man tayo ng lungkot ngayong 2021, naghatid naman ng good vibes ang one-of-a-kind experience ni Marian Rivera bilang Miss Universe judge, ang nakakikilig na whirlwind romance nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, at ang nakaka-"proud to be Pinoy" moment ni Heart Evangelista na naka-collaborate ang sikat na American vocalist na si Brandon Boyd para sa isang art exhibit.

Marami mang nagbago sa taong nagdaan--both the good and the bad--moving forward na rin ang mga sikat. At kahit ano man ang pagsubok na dumaan, "the show must go on."

Balikan ang mga istoryang gumulantang sa mundo ng showbiz ngayong 2021 sa gallery na ito:


Derek Ramsay and Ellen Adarna's whirlwind romance
Jennica Garcia and Alwyn Uytingco's rumored reconciliation amid split
Death of celebrities and personalities
Bea Alonzo's transfer to GMA
Mr. M as GMA Artist Center consultant
Kylie Padilla and Aljur Abrenica's split
Paolo Contis and LJ Reyes's split
More celebrity breakups
Heart Evangelista's art collaboration with Brandon Boyd
Jennylyn Mercado's pregnancy
Kuya Kim's transfer to GMA
Marian Rivera as Miss Universe 2021 judge

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting