IN PHOTOS: Ina, hindi matanggap ang unti-unting pagkabulag sa '#MPK'

GMA Logo Ang Bulag na Ilaw ng Tahanan on MPK

Photo Inside Page


Photos

Ang Bulag na Ilaw ng Tahanan on MPK



Isang kuwento ng inang may kapansanan ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Unti-unting mabubulag ang ina at asawang si Jane. Noong una ay pipilitin pa rin niyang gampanan ang mga responsibilidad bilang ilaw ng tahanan.

Pero dahil sa paghina ng kanyang mga mata, magdudulot siya ng sunog sa kanilang tahanan kung saan malalagay sa panganib ang kanyang mga anak na sina Ace at Gerald.

Sinusuportahan naman siya ng asawang si Jes at laging inaalalayan.

Pero paano nila haharapin ito bilang mag-asawa kung tuluyang mawala na ang paningin ni Jane?


Abangan ang kanilang kuwento sa brand new episode na "Ang Bulag na Ilaw ng Tahanan: The Jane and Jes Orlino Story," August 13, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Lara Quigaman
Neil Ryan Sese
Sons
Bulag
Hamon
Jane and Jes
Ang Bulag na Ilaw ng Tahanan

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras