IN PHOTOS: Ina, ibubugaw ang sariling anak sa '#MPK'

GMA Logo Cherie Gil and Gabbi Garcia

Photo Inside Page


Photos

Cherie Gil and Gabbi Garcia



Kakaibang Cherie Gil at Gabbi Garcia ang tampok sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap sila bilang mag-inang kakapit sa patalim dahil sa kahirapan.

Si Cherie ay si Magda, na malulubog sa utang dahil sa kagustuhang itaguyod ang kanyang pamilya. Makakakita siya ng solusyon sa katauhan ng anak na si Pia, role naman ni Gabbi.

Kahit may pag-aalangan, ibubugaw niya ang dalagitang si Pia sa iba't ibang lalaki.

Susuwertehin naman sila sa pagdating ni Ramon, karakter ni Leo Martinez, isang mayamang lalaking magmamahal kay Pia kahit pa patuloy nitong ginagamit ang katawan ng dalaga.

Sasagutin pa ni Ramon ang pag-aaral ni Pia at ng mga kapatid nito. Sisikapin ni Pia na makatapos para magkaroon ng mas maayos na buhay.

Sa kasamaaang palad, magbubunga ang relasyon sa pagitan nina Pia at Ramon. Hihikayatin ni Ramon si Pia na ipalaglag ang bata dahil may sarili na itong pamilya.

Papayag ba si Pia sa gusto ni Ramon? Tutulad ba siya sa kanyang inang si Magda na kinayang ipahamak ang sariling anak?

Bukod kina Cherie, Gabbi at Leo, bahagi din ng episode sina Phytos Ramirez, Gilleth Sandico, Kenneth Paul Cruz, Lindsay De Vera, Sean Rose, Citadel Mariano, at Mimi Juareza.

Huwag palamapasin ang natatanging pagganap nina Cherie at Gabbi sa episode na pinamagatang "Ina Ko, Bugaw Ko" ngayong Sabado, April 17, 8:00 pm sa '#MPK.'

Ina Ko, Bugaw Ko
Dasal
Happy days
Binugaw
In between takes
Solusyon
Problema
Cherie and Gabbi
Date
Phytos Ramirez
Gabbi Garcia

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together