Ina, ipinambayad utang ang sariling anak sa 'Magpakailanman'

Isang sensitibong kuwento ang tampok ngayong Sabado sa real life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Bayad Utang," isang ina ang magsasakripisyo ng sarili niyang anak bilang pampayad sa malaking pagkakautang.
Malaking halaga ang hiniram ni Andeng kay Monching kaya hirap siyang mabayaran ito.
Magiging interesado naman si Monching kay Sally, ang 16 taong gulang na anak ni Andeng. Dahil sa kagipitan, mapipilitan si Andeng na gawing bayad utang si Sally kay Monching.
Ano ang mga pagdadaanan ni Sally sa poder ng isang lalaking higit na nakakatanda sa kaniya? Magagawa bang patawarin ni Sally si Andeng?
Panoorin ang "Bayad Utang," August 30, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






