Ina, pilit na lilinisin ang pangalan ng mga anak na naakusahan ng panggagahasa sa '#MPK'

Tunghayan ang pambihirang katatagan ng isang ina sa real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Kuwento ito ni Leni, isang ina na maaakusahan ng panggagahasa ang tatlong anak na lalaki. Gagawin niya ang lahat para mapatunayang inosente ang kanyang mga anak.
Abangan ang natatanging pagganap ni Gina Alajar sa "Huwag Kang Susuko," November 18, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






