IN PHOTOS: Inang hirap magbuntis, mapipilitang magnakaw sa '#MPK'

Bago ang episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman na mapapanood ngayong Sabado, January 9.
Kuwento ito ng isang inang hirap magbuntis. Sa kagustuhan niyang magkaroon ng sariling anak, magagawa niyang magnakaw.
Si Kapuso actress and dancer Rochelle Pangilinan ang gaganap bilang Emily. Maagang magbubunga ang pagmamahalan ni Emily at ng boyfriend niyang si Rommel, na gaganapan ni Mike Tan.
Sa kasamaang palad, malalaglag ang batang ipinagbubuntis niya. Ganito rin ang mangyayari sa pangalawang pagbubuntis ni Emily.
Matapos kumonsulta sa doktor, magpag-aalaman ng mag-asawa na may "incompetent cervix" si Emily, kung saan mahina ang mga tissue sa cervix na nagdudulot ng premature birth o pagkalaglag ng ipinagbubuntis.
Walang lunas sa kundisyong ito pero mayroon namang mga therapies at iba pang mga procedures para matulungan ang isang ina na makumpleto ang siyam na buwang pagbubuntis at masiguradong magiging safe at healthy ang bata.
Kaya lang, malaking halaga ang kakailanganin nina Emily at Rommel kung sakaling sasailalim sa gamutang ito.
Sa kagustuhang magkaroon ng sariling anak, magagawa ni Emily na kumuha ng pera mula sa lending company na pinagtatrabahuhan niya.
Abangan ang kahihinatnan ni Emily sa brand new episode na "Krimen ng Isang Ina" ngayong Sabado, January 9, 8:00 pm sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito.






