IN PHOTOS: Inside 'Nagbabagang Luha's' lock-in taping

Nagsimula na noong nakaraang buwan ang lock-in taping ng GMA adaptation ng classic '80s movie na 'Nagbabagang Luha' na pinagbidahan nina Gabby Concepcion, Alice Dixon, at Lorna Tolentino noon.
Kasalukuyan sumasalalim sa isang closed group shoot ang cast at mga staff at crew ng upcoming series sa Laguna na tatagal ng mahigit isang buwan.
Pagtatambalan nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz ang upcoming TV adaptation ng 'Nagbabagang Luha' kung saan gagampanan nila ang role nina Lorna at Gabby bilang sina Maita at Alex.
Sa serye, ipinapakilala ang 22-year-old rising star na si Claire Castro, anak ng '90s actors na sina Raven Villanueva at Diego Castro, bilang dramatic actress na gaganap sa karakter ni Cielo, orihinal na ginampanan ni Alice.
Maliban kina Glaiza, Rayver, at Claire, tampok din sa 'Nagbabagang Luha' sina Mike Tan at Gina Alajar.
Araw-araw ding mapapanood sa serye sina Alan Paule, Archi Adamos, Myrtyle Sarrosa, Royce Cabrera, at Karenina Haniel.
Narito ang pasilip sa lock-in taping ng 'Nagbabagang Luha.'



















