IN PHOTOS: Inside the Legaspi family's Batangas rest house

Ipinasilip na ng Legaspi family ang isa pa nilang property na matatagpuan sa Batangas.
Sa two-part episode ng 'Sarap Di Ba? Bahay Edition,' dinala nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi ang mga manood sa kanilang second home. Ayon sa pamilya Legaspi, ito ang kanilang paraan para mag-bonding kasama ang kanilang anak na si Cassy na kalalabas lamang sa lock-in taping ng 'First Yaya.'
Sa episode na ito ay ipinakita ng pamilya ang ilang bahagi ng kanilang rest house tulad ng kitchen, swimming pool, basketball court, at ang beachfront area una nang ipinakita nina Carmina at Cassy sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.' Ibinahagi rin nila ang fun activities na ginagawa nila sa kanilang rest house.
Tingnan ang Batangas rest house nina Carmina, Mavy, Cassy, at Zoren sa gallery na ito:











