IN PHOTOS: Inspiring life story ng isang drag queen, tampok sa '#MPK'

GMA Logo magpakailanman

Photo Inside Page


Photos

magpakailanman



Mapapanood ang inspiring na buhay ng isang drag queen sa real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'

Bata pa lang si Edwin Luis, alam na niyang isa siyang bakla. Hindi ito tanggap ng kanyang nanay na si Lily pero supportive naman ang tatay niyang si Rudy. Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, sumama si Edwin sa tatay niya.

Nakapag-aral ng ballet si Edwin at dahil dito, nakapagtrabaho siya bilang showgirl sa Japan. Bumida rin siya sa mga drag shows doon at unti-unting gumanda ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

Pero sa kabila ng tagumpay niya, malululong si Edwin sa droga. Bakit ito nangyari? Maaayos pa ba niya muli ang kanyang buhay?

Abangan ang kanyang kuwento sa "Born to be a Queen: The Edwin Luis Story," June 24, 8:00 p.m. sa '#MPK.'

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Royce Cabrera
Benjie Paras
Candy Pangilinan
Japan
Pagsubok
Edwin Luis
Born to be a Queen

Around GMA

Around GMA

VP Sara: Marcos, nagsinungaling na walang alam umano tungkol sa impeachment laban sa kaniya
Cebu makes a special appearance in K-drama 'Boyfriend on Demand'
Witness IDs suspect in killing of brgy chief in Iloilo