IN PHOTOS: Irma Adlawan bilang inang may 21 anak sa '#MPK'

Paano nagkaroon ng 21 anak ang isang babae?
Ito ang kuwento ni Amelia Calma na nabiyayayan ng 21 anak ng asawa niyang si Carding.
Kahit na palaki nang palaki ang kanilang pamilya, sisikapin pa rin ni Amelia o Amie na itaguyod ang lahat ng ito.
Ano kaya ang mga pinagdadaanan ng isang pamilya na kasing laki ng kanila?
Ang beteranang aktres na si Irma Adlawan ang magbibigay-buhay sa kuwento ni Amie.
Si Allen Paule naman ang gaganap bilang kanyang asawang si Carding.
Gaganap bilang batang bersiyon ni Amie si Elle Ramirez, habang si Orlando Sol naman ang batang bersiyon ni Carding.
Kabilang din ang mga Kapuso stars na sina Rere Madrid, Jay Arcilla at Yuan Francisco sa episode.
Abangan ang natatanging pagganap ni Irma Adlawan sa #MPK episode na "Tanging Ina ng Lahat" ngayong Sabado, August 1.









