IN PHOTOS: Isang kuwento ng tagumpay sa gitna ng pandemya sa '#MPK'

GMA Logo Palengke Queen ng Quarantine on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Palengke Queen ng Quarantine on #MPK



Napapanahon ang upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.


Isang inspiring na kuwento ng tagumpay ang hatid ng episode ng pinamagatang "Palengke Queen ng Quarantine: The Merlinda Nacario Story."

Kuwento ito ng tindera sa palengke na si Merlinda o Minda sa kanyang mga kaibigan.

Isang single mom si Minda na mag-isang itinataguyod ang kanyang dalawang anak.

Dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic, naaapekutuhan ang kanyang hanapbuhay.

Para may patuloy na pangtustos sa kanilang pamilya, sinikap pa rin niyang maghanap ng pagkakakitaan kahit na mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas lalo na noong mga unang buwan ng quarantine.

Sinubukan niya ang iba't ibang raket kabilang na ang paglalako ng mga pagkain.

Isang magandang pagkakataon ang natanggap niya nang ilunsad ng lokal na pamahalaan ng kanilang siyudad ang mobile palengke project.

Si Kapuso actress LJ Reyes ang gaganap bilang Minda. Makakasama niya sa episode sina Ervic Vijandre, Faith Da Silva, Mark Dionisio, Tess Bomb, at Ginger Ale.

Abangan ang inspiring na kuwento ng tagumpay sa gitna ng pandemya sa brand new episode na "Palengke Queen ng Quarantine: The Merlinda Nacario Story" sa #MPK ngayong Sabado, December 26, 8:00 p.m.


LJ Reyes
Ervic Vijandre
Tess Bomb
Faith da Silva
Single mom
Opportunity
Palengke Queen ng Quarantine

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 16, 2025 [HD]
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection