Julia Clarete: Where is she now?

Anim na taon na ang lumipas mula nang mag-resign sa 'Eat Bulaga' ang Dabarkads na si Julia Clarete. Hindi biro ang desisyon ni Julia na iwan ang palabas, lalo na at isang dekada din siyang naging parte ng 'Eat Bulaga' family.
Pinili ni Julia ang lumipat sa Malaysia upang makasama ang boyfriend - at ngayon ay asawa - na si Gareth McGeown. Sa anim na taon na pamamalagi niya sa bansang Malaysia ay mayroon nang panibagong buhay si Julia.
Tingnan sa gallery na ito ang buhay ni Julia Clarete pagkatapos ng 'Eat Bulaga.'


























