Kilalanin ang Korean heartthrob na si Jung Hae-in

Hindi nakapagtataka na itinuturing na isa sa top Korean actors sa ngayon si Jung Hae-in.
Matatandaan na gumanap si Hae-in bilang Wesley na GMA Heart of Asia series na 'While You Were Sleeping' kung saan nakasama niya sina Lee Jong-suk at Bae Suzy.
Gumawa rin ng ingay ang project niya with BLACKPINK member na si Jisoo noong 2021 na 'Snowdrop.'
Kinilala rin ang husay ni Hae-in bilang aktor sa 2022 APAN Star Awards matapos niya makuha ang Top Excellence Award para sa role niya sa Netflix series na “D.P.”
Nakailang balik na rin ang aktor sa bansa dahil sa kanyang mga solo fan meetings noong 2018, 2019, 2023, at nitong 2024.
Heto pa ang ilan sa amazing facts tungkol sa multi-talented Korean leading man dito.


















