IN PHOTOS: Kapuso stars na kumanta ng 2020 GMA Network Christmas Station ID

Nag-record man sila sa studio o sa kanilang sariling bahay, hindi pinalampas ng ilang Kapuso singers na maghatid ng pag-asa sa mga Pilipino ngayong taon.
Gamit ang kanilang angking talento sa pagkanta, inawit ng ilang talents ang theme song ng GMA Christmas Station ID na “Isang Puso Ngayong Pasko” na isinulat ni Natasha Correos.
Mula kina Julie Anne San Jose hanggang kay Christian Bautista, kilalanin ang mga boses sa likod ng GMA Christmas Station ID 2020.










