Isa si Ken Chan sa mga aktor na mahigit sampung taon nang nagsisilbing inspirasyon sa maraming viewers at artists.
Nagsimula si Ken noon sa ilang TV commercials bago niya nasungkit ang role sa teen-oriented show ng GMA na 'Tween Hearts.'
Nakuha naman ni Ken ang big break niya sa show business nang gumanap siya bilang bida at isang transgender sa drama series na 'Destiny Rose' noong 2015.
Kasunod nito, nakatanggap ng iba't ibang pagkilala si Ken na nagpapatunay na hindi lang siya basta isang aktor kundi siya ay isang mahusay na aktor. Kabilang sa mga parangal na kanyang natanggap ay ang pagiging "Most Promising Male Star" mula sa 2016 GMMSF Box-Office Entertainment Awards. Itinanghal naman siya bilang "Best Drama Actor" sa 30th PMPC Star Awards for Television para sa seryeng kanyang pinagbidahan na 'Destiny Rose.'
Noong 2019, nasungkit naman ni Ken, kasama ang on-screen partner niyang si si Rita Daniela, ang "Best Lead Performance in a TV Series" sa 17th Gawad Tanglaw para sa serye nilang 'My Special Tatay.'
Samantala, kasalukuyang napapanood ang aktor sa GMA's top-rating medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Kilalanin ang mga aktres na nakatambal ni Ken Chan sa ilang tv series at pelikula sa gallery na ito.
Sa mahigit isang dekada sa showbiz, sino-sino na nga bang aktres ang nakatambal ni Ken Chan sa mga serye at pelikula?
Si Rita Daniela ang pinakamatagal na naging on-screen partner ni Ken Chan sa Kapuso Network. Nabuo ang love team nina Ken at Rita, ang RitKen, sa GMA Afternoon Prime series na 'My Special Tatay.' Ilan pa sa mga serye at pelikulang pinagbidahan ng dalawa ay ang 'One of the Baes,' 'Ang Dalawang Ikaw,' at 'Huling Ulan sa Tag-araw.'
Ngayong 2022, bumida si Ken Chan sa primetime series na 'Mano Po Legacy: Her Big Boss' kung saan nakapareha niya si Kapuso actress Bianca Umali.
Nakatambal ni Ken Chan si Barbie Forteza sa hit series na 'Meant To Be' at sa pelikulang 'This Time I'll Be Sweeter' noong 2017.
Gumanap din bilang love interest ni Ken Chan sa 2018 Afternoon series na 'My Special Tatay' si Kapuso actress Arra San Agustin. Nagkasama rin sina Ken at Arra at gumanap bilang mag-asawa sa 'The Cure.'
Naging leading lady ni Ken Chan si Coleen Perez sa pelikulang '1st Ko Si 3rd' noong 2014 kung saan gumanap silang mga batang Third at Cory.
Nakapareha naman ni Ken Chan si Yassi Pressman sa teen-oriented show na 'Tween Hearts.'
Noong 2013, naka-love triangle ni Bea Binene si Ken Chan sa fantasy series na 'Home Sweet Home' kasama si Jake Vargas.
Si Julie Anne San Jose ang nakapareha ni Ken Chan sa "Nobody's Princess" episode ng 'Maynila.'
Naka-love triangle ni Ken Chan si Anna Vicente sa Afternoon series na 'Ang Dalawang Ikaw' kung saan kasama rin niya si Rita Daniela.
Sa GMA's medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap,' napapanood si Jillian Ward bilang si Doc Analyn, ang batang doktor na palihim na nagugustuhan ni Doc Lyndon (Ken Chan).
Sa previous episodes ng 'Abot-Kamay Na Pangarap,' muling nakatambal ni Ken Chan ang isa sa mga naging leading lady niya noon sa 'My Special Tatay' na si Arra San Agustin.
Gumanap si Arra San Agustin sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' bilang ex-girlfriend ni Doc Lyndon na pumanaw na.