IN PHOTOS: Kilalanin ang mga sinaunang marites sa 'Maria Clara at Ibarra'

GMA Logo Jennifer Maravilla, Karenina Haniel, Ira Ruzz, and Hannah Precillas in Maria Clara at Ibarra

Photo Inside Page


Photos

Jennifer Maravilla, Karenina Haniel, Ira Ruzz, and Hannah Precillas in Maria Clara at Ibarra



Panahon ng pandemic nang mauso ang salitang Marites o ang mga babaeng chismosa na walang ibang ginawa kung hindi pagkuwentuhan ang buhay ng ibang tao.

Pero alam n'yo bang may mga Marites na rin noong araw sa panahon nina Maria Clara at Ibarra? Simula noong pumasok sa nobela ni Dr. Jose Rizal na ''Noli Me Tangere'' ang Gen Z nursing student na si Klay, wala nang ibang ginawa ang mga kaibigan ni Maria Clara kung hindi pagchismisan ang ginagawa ni Klay.

Marami man ang naiinis, may iba ring natutuwa sa magkakaibigan dahil pinapakita nito kung gaano na kalayo ang narating ng mga Pilipino, lalong-lalo na ng mga kababaihan, ngayon.

Kung noon, ang pinagkakaabalahan lang ng mga babae ay maglinis ng bahay, magkuwentuhan sa tabing ilog, o hindi kaya magdasal nang magdasal, ngayon ay pantay na ang oportunidad ng mga babae at mga lalaki.

Kilalanin ang mga sinaunang Marites at ang mga gumaganap sa kanila sa 'Maria Clara at Ibarra' sa gallery na ito.


Marites ng 'Maria Clara at Ibarra'
Hannah Precillas
Iday
Karenina Haniel
Victoria
Jeniffer Maravilla
Sinang
Ira Ruzz
Neneng
Maria Clara at Ibarra

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat