After her short stint in the former game show of Willie Revillame, Kim Domingo's career boomed when she signed an exclusive contract with GMA in 2015. Take a look at Kim's career through the years in this gallery.
Nagsimula ang buhay showbiz ni Kim Domingo nang naging bahagi siya ng programa ni Willie Revillame sa ibang istasyon bilang 'money girl.'
Matapos ang kanyang maikling trabaho bilang 'money girl,' pinasok ni Kim ang pagmomodelo.
Taong 2014 naman nang sumikat si Kim online dahil sa kanyang dubsmash ng 'Twerk It Like Miley.'
Bago siya tuluyang mapasama sa 'Bubble Gang', nakasama niya muna ang mga komedyanteng sina RJ Padilla, Antonio Aquitania, Boy2 Quizon, at Roadfill sa kanilang grupo na P.A.R.D..
Taong 2015 nang pumirma si Kim ng exclusive contract sa GMA.
Naging bahagi rin si Kim ng 'Juan Happy, Love Story' na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.
Nagkaroon din ng single si Kim, ang 'Know Me,' noong 2016.
Naging muse si Kim ng Brgy. Ginebra San Miguel sa pagbubukas ng 2016-2017 PBA Season.
Taong 2017, ginampanan ni Kim ang kaniyang sariling talambuhay sa Magpakailanman.
Bumida si Kim sa seryeng 'D' Originals' kasama sina Jaclyn Jose at LJ Reyes noong 2017.
Noong 2019, bumida si Kim sa teleseryeng 'Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko' kasama sina Rayver Cruz at Kris Bernal.
Kitang-kita ng mga tao ang ganda ni Kim nang i-post niya sa Instagram ang kanyang larawan. Sa katunayan, tinawag pa siyang 'barbie girl' ng ilang netizens.
Celebrities, fans go gaga over Kim Domingo's stunning selfie on IG
Naging miyembro ng longest running gag show na 'Bubble Gang' si Kim Domingo noong 2015.
Noong 2017, napabilang si Kim Domingo sa GMA action-drama series na 'Super Ma'am' bilang si Vera. Nakasama niya rin sa seryeng ito sina Marian Rivera, Helen Gamboa, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Jerald Napoles, at Jillian Ward.