IN PHOTOS: Kuwento ng domestic violence, tampok sa '#MPK'

Isang kuwento ng domestic violence, tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "The Lockdown Wife," mapapanood ang kuwento ni Lorie na isang battered wife.
Magsisimula nang maayos at matiwasay ang kanilang buhay mag-asawa ng kanyang mister na si Dexter.
Pero habang tumagatal, lumalabas na ang natatago nitong karahasan.
Sa kabilang ng pagiging tapat at mapag-aruga ni Lorie, pagbubuhatan pa rin siya ng kamay ni Dexter.
Magagawa pa nitong ikulong siya sa loob ng kanilang bahay sa loob ng ilang buwan.
Lalo pang magiging nakababahala ang kundisyon ng kanilang relasyon nang malaman ni Lorie na siya ay nagdadalantao.
Si Bea Binene ang gaganap bilang si Lorie, habang si Martin del Rosario naman ang kanyang asawang si Dexter.
Kasama rin sa episode sina James Teng at Maritess Joaquin.
Huwag palampasin ang kuwento ng isang battered wife sa "The Lockdown Wife" ngayong Sabado, October 10, 8:15 pm sa '#MPK.'






