IN PHOTOS: Kuwento ng viral dancing bear mascot, tampok sa '#MPK'

Nakita niyo na ba ang viral na dancing bear mascot?
'Yan ang kuwentong tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Nagtatrabaho si Sam bilang isang bear mascot na naghahatid ng mga mensahe at regalo. Para mas maaliw ang kanyang mga customers, sinasamahan pa niya ito ng pagsasayaw.
Dahil diyan, nag-viral sa social media ang kakaibang negosyo at gimik ni Sam.
Sa likod ng kanyang cute na bear costume, mula si Sam sa isang broken family. Iniwan sila ng kanilang ama kaya siya na ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya.
May sakit rin ang kapatid niya na kailangan ng regular na gamutan kaya ganoon na lang kumayod si Sam.
Abangan ang kanyang kuwento sa brand new episode na pinamagatang "I Bear For You: The Sam Cairo Story," December 17, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






