Kuwento ni Andrew Schimmer at yumao niyang asawa, tampok sa '#MPK'

Matapang na ibinahagi ng actor-model na si Andrew Schimmer ang pagsubok na pinagdaraanan niya sa real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Naging laman ng balita si Andrew nang manawagan siya ng tulong para sa asawang si Jho na nakataray noon sa ospital.
Na-comatose kasi ito matapos ang isang matinding asthma attack na nagdulot ng atake sa puso at hypoxemia o kakulangan ng supply ng oxygen sa utak.
Sa kasamaang palad, biniwian din ng buhay si Jho noong December 20, 2022.
Abangan ang kanilang kuwento sa "Every Breath You Take: The Andrew Schimmer and Jho Rovero Story," February 24, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






