IN PHOTOS: Life story ng Pinoy na artista sa Indonesia, tampok sa '#MPK'

Isang inspiring rags to riches story ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Tungkol ito sa buhay ni Leo Consul, isang Pinoy na pinalad maging sikat na artista sa Indonesia.
Bata pa lang si Leo, pangarap na niyang iangat ang pamilya mula sa kahirapan. Kaya naman nag-aaral siyang mabuti at matututong magtrabaho nang maaga para sa pamilya.
Pero isang sikreto pala ang babago sa buhay ni Leo. Ano kaya ito?
Bukod dito, ano pa ang ibang pagdadaanan ni Leo bago makamit ang inaasam na tagumpay sa ibang bansa?
Abangan ang kanyang kuwento sa brand new episode na pinamagatang "Small Boy, Big Dreams: The Leo Consul Story," October 15, 8:15 p.m. sa #MPK.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/magpakailanman/170698/mpk-small-boy-big-dreams-teaser-ep-507/video
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






