IN PHOTOS: Life story ni Mr. Pogi 2019 Carlo San Juan, tampok sa '#MPK'

Tampok ang life story ni Mr. Pogi 2019 Carlo San Juan sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Si Carlo pa mismo ang gaganap sa kanyang sarli sa episode na pinamagatang "Ang Driver na Mr. Pogi."
Bago manalo sa male beauty pageant ng Eat Bulaga na Mr. Pogi noong 2019, nagtatrabaho si Carlo bilang isang tricycle driver.
Isa siyang college student na nakapasok sa ilalim ng athletic scholarship kaya kailangan niyang magtrabaho para sa kanyang sariling allowance at iba pang gastusin sa paaralan.
Ano pa ang mga pinagdaanan ni Carlo bago niya nakamit ang tagumpay bilang isang artista?
Abangan ang kanyang kuwento sa brand new episode na pinamagatang "Ang Driver na Mr. Pogi," September 17, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






