IN PHOTOS: Little people na mega jackpot winners, gaganap sa sariling talambuhay sa '#MPK

Gaganap bilang kanilang mga sarili ang mga little people na sina Ella Ong, Glenn Anastacio at Jenny Botes sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sinubukan ng tatlo na sumali sa afternoon variety game show na Wowowin nang inanunsiyo na humahanap dito ng mga "onanay" o mga little people na nanay o tumatayong nanay ng kanilang mga pamilya bilang mga contestant.
Swerte naman mapapanalunan nina Ella, Glenn at Jenny ang mega jackpot!
Pero bago nabago ng kanilang malaking panalo ang kanilang buhay, may kanya-kanya rin silang mga pinagdaanan.
Kilalanin sila sa episode na pinamagatang "Little People, Big Winners" ngayong Sabado, November 14, 8:15 pm sa '#MPK.'






