IN PHOTOS: LJ Reyes's adorable moments with her kids Ethan Akio and Summer Ayanna

"You both are the reason I smile every single day."
Ganito inilarawan ni LJ Reyes ang kanyang mga anak na si Ethank Akio, 11, at Summer Ayana, 2
Kasalukuyang nasa New York City si LJ Reyes, kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer Ayana, matapos aminin ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis. Si Aki ay anak ni LJ sa ex-boyfriend at aktor na si Paulo Avelino.
Sa panayam kay Boy Abunda, sinabi ni LJ na napagdesisyunan niyang pumunta muna sa Amerika para makapagpahinga at maprotektahan ang kanyang mga anak mula sa isyu ng paghihiwalay nila ni Paolo.
"Si Aki, 11 na po siya, exposed na siya sa ibang tao. We left because I felt I really needed to get myself and my kids out of the situation physically. Para makatulong sa amin mentally and emotionally to recover, as a small family.
"Kailangan na maprotektahan ko sila. Kailangan po na magkaroon kami ng healthy and safe environment, not just for me. Para po sa mga bata 'yun, not just for me. Ako po, kaya ko po na kung ano-ano 'yung marinig ko pero kapag mga bata na, kailangan ko po ilayo," paliwanag ni LJ.
Ibinahagi ng aktres na mahirap at masakit para sa kanya ang nangyaring hiwalayan pero kinakailangan niyang maging matatag para sa kanyang dalawang anak.
Tingnan sa gallery na ito kung gaano ka-hand-on si LJ sa pag-aalaga sa kanyang mga anak:



























