IN PHOTOS: Lock-in taping ng 'The Lost Recipe,' nagsimula na

Nagsimula na ang lock-in taping ng romance-fantasy series na pagbibidahan nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.
Malapit na ipakita nina Kelvin at Mikee ang kanilang nakakakilig na kuwento sa The Lost Recipe sa GMA News TV. Sina Mikee at Kelvin ay sumalang na sa taping bilang paghahanda sa nalalapit nitong pag-ere sa telebisyon.
Bukod kina Kelvin at Mikee, nasa lock-in taping rin sina Lui Manansala, Topper Fabregas, at Maureen Larrazabal. Sa mga unang eksena na kanilang kinunan ay nakasama ni Mikee sina Lui at Maureen. Naging magkaeksena naman sina Kelvin at Topper.
Silipin ang mga naganap sa lock-in taping ngThe Lost Recipe.













