IN PHOTOS: Love story ng PWD at PDL, tampok sa '#MPK'

GMA Logo To Love Again on MPK

Photo Inside Page


Photos

To Love Again on MPK



Isang love story ng dalawang taong tila nakalimutan na ng lipunan ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na '#MPK o Magpakailanman.'

Si Jenefer ay isang person with disability o PWD na baluktot ang mga braso at binti. Galing siya sa isang abusive relationship kaya tila natatakot nang umibig muli.

Sa 'di inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Johncel, isang PDL o person deprived of liberty. Ilang taon nang nasa kulungan si Johncel dahil sa kasong may kinalaman sa droga at dahil dito ay wala nang gana sa buhay.

Mababago kaya nina Jenefer at Johncel ang buhay ng isa't isa?

Abangan ang kanilang kuwento sa brand new episode na pinamagatang "To Love Again: The Johncel C. Magundag and Jenefer Francisco Love Story" ngayong Sabado, October 8, 8:15 p.m. sa '#MPK.'

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Mikee Quintos
Kelvin Miranda
Ramon Christopher
Victor Anastacio
Online
Romance
To Love Again

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry