IN PHOTOS: Love story ni Richard Yap, tampok sa '#MPK'

GMA Logo The Richard and Melody Yap Love Story on #MPK

Photo Inside Page


Photos

The Richard and Melody Yap Love Story on #MPK



Ibinahagi ng bagong Kapuso leading man na si Richard Yap ang kanyang love story sa isang episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'


Hindi naging madali ang simula ng pag-iibigan nila ng kanyang asawang si Melody.

Mula kasi sa lahing Chinese si Richard habang Filipina naman si Melody.

Hindi pabor ang konserbatibo at tradisyunal na ama ni Richard sa pakikipagrelasyon niya kay Melody.

Gusto kasi nitong isang Chinese din ang mapangasawa ng anak.

Taong 1993 nang ikasal sina Richard at Melody. Nabiyayayan naman sila ng dalawang anak.

Paano nga ba nila ipaglalaban ang kanilang pag-ibig?

Pumirma ng isang exclusive management contract sa GMA Artist Center noong nakaraang Disyembre si Richard.

Matapos nito, sunud-sunod na ang guest appearances niya sa iba't ibang Kapuso shows.

Bukod dito, inanunsiyo rin na siya ang makakasama ni Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista sa upcoming series na 'I Left My Heart in Sorsogon.'


Mas kilalanin pa si Richard sa likod ng camera sa pagbabahagi niya ng isang bahagi ng kanyang personal na buhay sa '#MPK' episode ngayong Sabado.

Ang Kapuso Chinito hunk na si David Licauco ang gaganap bilang Richard.

Makakapareha niyang muli sa '#MPK' episode si Shaira Diaz, na gaganap naman bilang asawa ni Richard na si Melody.

Bahagi din ng episode ang beteranong aktor na si Ricardo Cepeda at si Joyce Ching.

Second to the last sentence: Huwag palampasin ang episode na "Gua Ai Di/I Love You: The Richard and Melody Yap Love Story" ngayong Sabado, September 18, 7:15 p.m. sa '#MPK.'


Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Richard Yap
David Licauco
Shaira Diaz
Ricardo Cepeda
Joyce Ching
Patago
The Richard and Melody Yap Love Story

Around GMA

Around GMA

AI-powered 'glasses for the blind' showcased in Las Vegas tech event
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts