IN PHOTOS: Mag-aaral, bitbit ang kapatid hanggang sa classroom sa '#MPK'

GMA Logo Kuya Na, Nanay Pa on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Kuya Na, Nanay Pa on #MPK



Isang nakaka-antig na viral story na naman ang tampok real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Sino ba ang hindi napaiyak sa kuwento ng isang mag-aaral sa Leyte na pumapasok sa eskuwela na bitbit ang kanyang kapatid na may cerebral palsy?

Ito ang kuwento ni Alexis Peralta na noon ay 11 years old pa lamang. Dinadala niya sa kanyang mga klase ang kapatid na si AJ dahil walang mag-aalaga dito.

Tumungo kasi ng Maynila ang kanilang inang si Luna para maghanap ng trabaho. Naiwan sila sa kanilang mapang-abusong stepfather.

Araw araw naglalakad si Alexis ng halos tatlong kilometro mula sa kanilang bahay patungong paaralan habang karga ang nakababatang kapatid na si AJ.

Ibinahagi ng isang guro ang mga litrato ni Alexis at ng kanyang kapatid at agad itong nag-viral.

Nag-abot naman ng tulong ang mga guro kay Alexis at pansamantala silang pinatuloy sa isang kuwarto ng paaralan habang hinihintay ang pagbabalik ng kanilang ina.

Si John Kenneth Giducos ang gaganap bilang Alexis. Makakasama niya sa episode si Ana Capri bilang ang ina ni Alexis na si Luna.

Bahagi din ng episode sina Marco Alcaraz, Ervic Vijandre, Seth Dela Cruz, Khaine Dela Cruz, Kyle Kaizer, Jude Paolo Diangson, Euwenn Aleta, Chinggay Riego at Janna Dominguez.

Huwag palampasin ang dakilang kuwentong ito sa "Kuya Na, Nanay Pa: The Alexis Peralta Story" ngayong Sabado, May 29, 8:00 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito:


 JK Giducos
Ana Capri
Marco Alcaraz
Ervic Vijandre
Layas
Diskarte
 Kuya Na, Nanay Pa

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: December 27, 2025
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers