Makeup artist, sunud-sunod ang pagsubok sa pag-ibig at pamilya sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Pokwang on MPK

Photo Inside Page


Photos

Pokwang on MPK



Tampok ang buhay ng isang ina na sunud-sunod ang pagsubok na hinarap sa buhay sa real-life drama anthology na Magpakailanman.

Isang makeup artist si Estrella Besabe o mas kilala ng mga artistang mine-makeup-an niya bilang Star.

Sa Amerika nagtatrabaho ang asawa ni Star kaya naiwan sa kanya sa Pilipinas ang dalawang anak na sina Erwin at Jinkee.

Madalas tumawag at regular kung magpadala ng pera ang kanyang asawa hanggang sa bigla na lang itong tumigil. Inilihim ito ni Star mula sa kanyang mga anak. Sa halip, mas kumayod pa siya sa trabaho para maitaguyod ang dalawang anak.

Makatatanggap na lang siyang isang sulat mula sa asawa na nagsasabing nakahanap na ito ng iba sa Amerika at humihiling ng hiwalayan mula kay Star.

Si Star ang sisisihin nina Erwin at Jinkee sa pag-abandona sa kanila ng kanilang ama.

Susubukan namang mag-move on ni Star at makahahanap ng bagong pag-ibig sa isang katrabaho. Pero malalaman niyang may asawa na ito! Agad niyang hihiwalayan ang lalaki pero tila huli na ang lahat dahil nagdadalang-tao na si Star.

Paano niya haharapin ang panibagong dagok na ito?

Abangan ang episode na "Liwanag ng Bituin," August 17, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

May delayed telecast din ito sa Pinoy Hits, 9:45 p.m.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Pokwang
Royce Cabrera
Jon Lucas
Dave Bornea
Bigo
Pagsubok
Liwanag ng Bituin

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban