IN PHOTOS: Matatag na ama, masusubukan dahil sa mental illness ng anak sa '#MPK'

Isang inspiring na kuwento ang mapapanood sa real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Tampok sa episode na ito ang beteranong aktor na si Christopher de Leon at si Kapuso Action Prince Ruru Madrid.
Gaganap si Christopher bilang Fidel, butihing ama at mapagmahal na asawa.
Payak man ang kanilang buhay sa probinsiya, nagsisikap si Fidel ni buhayin nang maayos ang kanyang limang anak.
Masusubukan ang tatag ni Fidel nang magkaroon ng isang mental illness ang kanyang anak na si Ryan Jay, na gagampanan ni Ruru.
Paano malalampasan ni Fidel at ng kanyang pamilya ang dagok na ito?
Huwag palampasin ang episode na "Sa Ngalan Ng Anak: The Fidel Madrideo Nacion Story," ngayong Sabado, December 31, 7:30 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






