IN PHOTOS: This generation's Filipino rapper Shanti Dope

Patuloy na nagiging matunog ang pangalan ni Shanti Dope sa music industry dahil sa mga natatamo niyang achievements sa pagiging isang Pinoy rapper.
Dalawang taon matapos i-release ang awitin niyang “Amatz” noong March 2019, muling pinag-usapan ang nasabing single nang makapasok ito sa international scene.
Na-feature ito sa ikatlong episode ng 'The Falcon and The Winter Soldier' miniseries ng Marvel Studios na mapapanood sa streaming platform na Disney+.
Nag-viral sa social media ang eksena sa serye kung saan background music ang “Amatz.”
April 15, 2021, inanunsiyo na nakapasok ang naturang kanta sa 10th spot ng Billboard World Digital Song Sales Chart.
Noong 2018, nakipag-collaborate ang young hip hop artist sa American pop singer na si Sabrina Carpenter para sa awiting “Almost Love.”
Bukod sa “Amatz,” pinasikat din ni Shanti Dope ang mga kantang “Nadarang,” “Shantidope,” at iba pa.
Kilalanin ang tinaguriang Rap Phenom sa gallery na ito:












