IN PHOTOS: Meet the cast of 'Mako Mermaids'

GMA Logo Mako Mermaids

Photo Inside Page


Photos

Mako Mermaids



Dahil hindi pa tayo pwedeng lumabas, ang fantasy adventure series na 'Mako Mermaids' na ang magdadala ng summer sa ating mga tahanan.

Get your dose of vitamin "sea" sa summertime adventure ng mga mermaids na sina Sirena, Lyla at Nixie kasama ang binatang si Zac.

Tila forever ang summer sa Mako Island kung saan malamig ang tubig, maputi ang buhangin at nakaka-refresh ang sikat ng araw.

Ipinagmamalaki rin nito ang isang beach na laging puno ng iba't ibang activities tulad ng surfing, beach volleyball, snorkeling at marami pang iba.

Pero may itinatago ring lihim ang isla dahil tahanan din ito ng isang pod or grupo ng mga mermaids at mermen!

Sina Sirena (Amy Ruffle), Nixie (Ivy Latimer) at Lyla (Lucy Fry) ang mga tagapangalaga ng Moon Pool, isang sagradong lugar para sa kanilang pod.

Dahil nasobrahan sila sa pagpa-party, hindi nila namalayang natuklasan na ng binatang si Zac Blakely (Chai Romruen) ang Moon Pool. Mahuhulog siya rito at magkakaroon ng buntot at powers ng isang merman!

Kaya naman mag-aanyong tao sina Sirena, Nixie at Lyla para hanapin si Zac sa mundo ng mga tao at bawiin sa kanya ang kapangyarihan.

Magtatagumpay ba ang tatlong mermaids or masyado silang maaaliw sa pagtira sa mundo ng mga tao?

Sumama sa magical underwater summer adventure ng 'Mako Mermaids,' simula April 19, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa GMA FantaSeries!

Samantala, kilalanin ang mga characters ng show sa gallery na ito:


Mermaids
Moon Pool
Human boy
Merman
Human world
Sirena
Nixie
Lyla
Zac Blakely
Mako Mermaids

Around GMA

Around GMA

Ilang bahay, nawasak at tinangay ng rumaragasang baha dulot ng thunderstorm
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental