IN PHOTOS: Meet the cast of 'Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette'

GMA Logo Loving Miss Bridgette

Photo Inside Page


Photos

Loving Miss Bridgette



Malapit nang mapanood ang unang kuwento mula sa bagong afternoon drama anthology na 'Stories from the Heart.'

May-December love affair ang tema ng kontrobersiyal at thought-provoking na opening salvo nitong "Loving Miss Bridgette."

Tampok dito si Beauty Gonzalez bilang isang recently-annulled guidance counsellor. Para malimutan ang masalimuot na separation nila ng kanyang ex-husband, magbabakasyon muna siya kasama ang kanyang best friend.

Dito niya makikilala si Marcus, na gagampanan ni Kapuso leading man Kelvin Miranda. Mas bata, pilyo at very sweet si Marcus kaya makukuha niya ang loob ni Bridgette.

Dahil malayo naman sa siyudad, kakalimutan muna ni Bridgette ang pagka-old-fashioned niya at magkakaroon sila ng summer fling.

Pero pagbalik ni Bridgette sa trabaho, malalaman niyang estudyante pala si Marcus sa college nila! At siya pa ang magiging assigned na guidance counsellor para dito.

Bukod dito, pursigido rin si Marcus na ituloy nag sinimulan nila ni Bridgette noong nakaraang summer.

Ayon sa lead actress na si Beauty, first time daw niyang magkakaroon ng mas batang leading man.

"Excited na ko for our new project. It's gonna be with a young man, for a change. ['Yung] mga past characters and love teams are usually older than me. I'm excited to play with this new character sa 'Loving Miss Bridgette.' I love the script. I love 'yung flow ng story. It's gonna be a new change and change is good," lahad niya.

Excited pero kinakabahan naman si Kelvin na makatrabaho si Beauty for the first time.

"Sobrang hinahangaan ko kasi siya. Sa mga actress, sobrang natural niya. Technically, sobrang bagay sa screen 'yung mga ginawa niya. Sobrang effective. Iniisip ko kung papaano ko mapapantayan 'yung ganoon," paliwanag ng aktor.

Abangan ang world premiere ng 'Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette' sa September 13, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, kilalanin ang cast ng show sa gallery na ito:


Beauty Gonzalez
Kelvin Miranda
Adrian Alandy
Bing Loyzaga
Tart Carlos
Pamela Prinster
Nikki Co
Shanicka Arganda
Polo Ravales
Lloyd Samartino
Noel Colet
Julie Lee

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo